E-GAMES: SALITALINO SA PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO SA FILIPINO

DANIELLE F. SERRANO
2022 International Journal of Research Publications  
pag-aaral ay nangangailangan ng isandaan at tatlumpung (130) mag-aaral, labingwalong guro (18) at dalawang (2) dalubhasa sa teknolohiya at pinili sa pamamaraang "purposive sampling". Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang antas ng paggamit ng E-Games: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino batay sa layunin, nilalaman, pagsasanay, organisasyon at disenyo? Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na
more » ... May makabuluhang pagkakaiba ba ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagtataya? May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng E-Games: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral? Ang disenyong ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay deskriptibong paraan. Gumamit din mean, standard deviation at T-test upang masuri ang mga datos. Sa pamamagitan ng mga inilahad na kinalabasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: Ang unang haypotesis na nasa unang kabanata na "Walang makabuluhang pagkakaiba ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa pauna at panapos na pagtataya." ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na "may makabuluhang" kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang ito na ang paggamit ng E-Games: SALITALINO ay nakatutulong sa pagpapalawak ng bokabularyo sa wikang Filipino. Ang ikalawang haypotesis na "Walang kaugnayan ang paggamit ng E-Games: SALITALINO sa Pagpapalawak ng Bokabularyo sa Filipino sa pagganap ng mga mag-aaral." ay dapat tanggapin, sapagkat ipinapakita nito na "walang makabuluhang" kaugnayan sa pagitan nila. Lumabas sa pag-aaral na ang E-Games: SALITALINO ay walang kaugnayan sa antas ng pagganap ng mga mag-aaral. Matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod: 1. Maaaring gamitin ang mga "E-Games" bilang karagdagang salalayan sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. 2. Ang mga mag-aaral at guro ay maaaring maging bukas sa na paggamit ng mga "Game-based Learning" bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto. Kinakailangan lamang na siguraduhing angkop ito sa mga paksang tatalakayin. 3. Para sa paaralan, hinihikayat ang pagdaraos ng mga palihan na naglalayong mapaunlad ang paraan ng pagtuturo sa tulong ng makabagong teknolohiya upang paraan ng pagtuturo ay makasabay sa hinihinging pagbabago ng panahon. 4. Sa mga susunod na mananaliksik maari pang susugan ang pag-aaral na ito upang makaisip pa ng ibang teknik o pamamaraan sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. PANIMULA Isa sa pinakadakilang layunin ng isang guro ang malinang o mapagyaman ang kaalamang pangwika ng kanyang mga magaaral sa masining at makabagong pamamaraan. Labis na kagalakan ang kanyang nadarama sa tuwing maririnig at makikita niyang epektibong nakakalahok sa masining at mabisang pakikipagtalastasan ang bawat mag-aaral. Sa paglipas ng panahon dulot ng modernisasyon, ipinakilala at ginamit natin ang modernong teknolohiya bilang instrumento ng higit na mabisang pagtuturo. Isa na rito ang pagsibol ng estratehiyang pagkatuto batay sa laro gamit ang mga makabagong teknolohiya na lalong nagpatingkad sa proseso ng pagkatuto. Maraming mga pag-aaral ang ginawa upang maipakita at magamit ang potensyal ng estratehiyang pagkatuto batay sa laro gamit ang makabagong teknolohiya sa iba't ibang asignatura gaya ng Matematika, Siyensya at Agham at ito'y kinakitaan ng positibong dulot sa pagkatuto (Abdul Jabbar et al. 2015) . Batay sa pag-aaral na may titulong Student-centered digital game-based learning (SCDGBL) nina Coleman at Money (2019), ang pamamaraang ito ay inilarawan bilang makabagong pamamaraan ng pagtuturo na mas epektibo at kawiliwili sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay kinakitaan ng aktibong pakikilahok at kahusayan sa kritikal at mapanimdin na pag-iisip. Samakatuwid, kung ang estratehiyang pagkatuto batay sa laro gamit ang mga makabagong teknolohiya ay nakapagdulot ng positibong pagbabago sa pagkatuto 527
doi:10.47119/ijrp1001021620223327 fatcat:qg7b6ugxvnardjp2u436z7asye