PAGKUKUWENTO SA PAGTUTURO NG PANITIKAN AT KASANAYAN SA MALIKHAING PAGSULA

JOY ANNE F. FABUL, IMELDA G. CARADA
2021 Zenodo  
Sa kasaukuyang panahon na ang mundo ay kumakaharap sa malaking hamon, isa sa higit na naapektuhan ay ang edukasyon kung kaya isang hamon sa mga guro kung ano ang mga dapat pang gawin para maging epektibo paraang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya isang estratehiya sa pagtuturo ang pinag-aralan ng mananliksik, kung ito ba ay epektibo bilang isang estratehiya para sa mga mag-aaral. Sa siyam na taong pagtuturo ng mananaliksik nakita niya ang kabagutan ng mga mag-aaral sa pagkatuto at di
more » ... an pagating sa pagsulat kaya naman layunin niyang mabago ang ganitng sitwasyon sa loob ng silsi kaya nagsagawa siya ng isang pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid kung may makabuluhang kaugnayan ba ang Pagkukuwento sa pagtuturo ng panitikan sa kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na isang daag tagasagot sa grade 9 ng Lodlod Integrated National High School. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibong pamamaraan upang madaling makuha at mailarawan ang mga datos na kailangan ng pag-aaral. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, natuklasan na ang mga mag-aaral ay lubos na sumasang-ayon sa pagkukuwento sa pagtuturo ng panitikan. Sa kabuuan ng pag-aaral, napatunayan na ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagkukuwento sa pagtuturo ng panitikan ay may mahalagang kaugnayan sa malikhaing pagsulat ng maikling kuwento. Kaya naman ipinapayo na isaalang-alang at gamitin sa pagtuturo ang pagkukuwento sa pagtuturo ng panitikan sapagkat ito ang maglulundo sa interaktibong pakikisangkot, kooperasyon at epektibong pagkatuto ng mga magaaral sa klase na siyang kailangan upang matamo ang kasanayang nililinang lalo't higit sa malikhaing pagsulat ng maikling kuwento at ng iba pang mga sulatin. Mainam rin na isaalang-alang ang karanasan, kinawiwilihan at interes ng mga mag-aaral sa pagpili ng estratehiyang o metodo na gagamitin sa pagtuturo sapagkat mas nagiging aktibo, nagiging interesado, nagiging epektibo at ginaganahan sila sa klase. Sa huli, iminumungkahi ng mananaliksik na ipagpatuloy [...]
doi:10.5281/zenodo.5171495 fatcat:t5uxr5arebeq3bdc4ctr5ynplu